Mula bus stop hanggang pauwi



 

Ganito tayo binabati ng lungsod

Ang ihip ng hangin ay sinaluhan

ng kapal ng usok na magiging

dumi sa iyong polo o sa

Pinaghilamusang lababo.

Ang ilaw ng mga sasakyan ay

tanda ng pagiging.

Upang hindi mahagip,

upang hindi mabangga,

upang hindi lalong mapagbuhol-buhol

ang magulo nang kalsada.

 

Ang tema ng lungsod ay ang

pagbati sa peligro,

Pagkilala sa balat ng iba,

Pagkilala sa sariling katauhan.

Magdadampi ang mga balat natin

sa pampasaherong sasakyan.

Magkakaamuyan tayo ng hininga

Ngunit hindi natin mamamalayang

sa iisang lugar tayo bababa.

 

Lagi tayong takot sa sapalaran,

Sa pagkilala sa sarili at

sa mundo.

Sapagkat pagod na ako,

Kaya paalam sa’yo, estranghero.

 


About these ads

Prick my mind:

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s